Patuloy na susundan ng mga pagkuwestiyong legal si Senator Grace Poe kaugnay ng kandidatura nito sa pagkapangulo hanggang sa maresolba ng Supreme Court (SC) ang usapin sa kanyang eligibility bilang natural-born at 10-year resident, ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Sa isang pahayag, naniniwala ang IBP board of governors na nabigo ang high tribunal na resolbahin ang pinakabuod ng kaso ni Poe at sagutin ang katanungan kung ang senadora ay natural-born citizen at kung natugunan nito ang residency requirement sa ilalim ng batas.

Sinabi nila na hindi naresolba ng kataas-taasang hukuman ang mga isyu kaugnay ng eligibility ni Poe, batay sa ipinakita sa main decision at iba’t ibang opinyon ng mga mahistrado.

Naniniwala ang IBP na pinanatili ng desisyon ng SC, na isinulat ni Associate Justice Jose Perez at inaprubahan ng mayorya ng siyam na mahistrado, na tanging ang Presidential Electoral Tribunal (PET) at hindi ang Commission on Elections (Comelec) ang maaaring magpasya sa mga ganitong usapin. (Leonard Postrado)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente