Matapos ang solar eclipse nitong unang bahagi ng buwan, isa pang special treat ang masasaksihan ng mga Pilipino sa Miyerkules Santo.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na masisilayan sa bansa bukas ang penumbral eclipse ng buwan.

Magsisimula ang eclipse sa pagpasok ng buwan sa anino ng mundo dakong 5:37 p.m. at magtatapos dakong 9:57 p.m.

Maoobserbahan din ito sa America, Oceania, Australasia, at iba pang bahagi ng Asia.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ayon sa PAGASA, ang penumbra ay tumutukoy sa bahagyang natatakpan na outer region ng anino na naliliman ng isang bagay.

Nangyayari ang penumbral eclipse kapag dumaraan ang buwan sa malabong penumbral portion ng anino ng mundo.

(Ellalyn De Vera)