Marso 22, 1945 nang itatag ang Arab League, o ang “League of Arab States”, sa Cairo, Egypt. Isang pang-rehiyonal na organisasyon ng mga estado sa Gitnang Silangan, kasapi ng liga ang Egypt, Iraq, Jordan, Lebanon, Saudi Arabia, Syria, at Yemen bilang founding members. Labinlimang bansa pa ang sumapi rito, at bawat miyembrong estado ay may karapatan sa isang boto.

Itinatag ang liga upang pasiglahin ang mga programang pang-kultura, pang-ekonomiya, at panlipunan ng mga miyembrong estado, at mabawasan ang alitan sa mga kasaping bansa. Abril 13, 1950 nang lagdaan ang kasunduan para sa pinag-isang ugnayan sa depensa at ekonomiya.

Taong 1959 nang idaos ang unang Arab petroleum congress ng organisasyon, at itinatag ang Arab League Educational, Cultural, and Scientific Organization noong 1964.

Marso 2011 nang nagdesisyon ang organisasyon na suportahan ang isang no-fly zone sa Libya upang maiwasan ang pag-atake ng puwersa ni Muammar al-Qaddafi sa mga kaaway sa pulitika sa pamamagitan ng air attacks.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’