Dahil walang pinipiling oras, araw, at panahon ang pagtulong sa kapwa, binuo ang “Alay Kapwa” telethon para makalikom ng pondong ihahandog sa Caritas Damayan, isang Preventive Health and Disaster Management Program.

Simula ngayong Lunes Santo, Marso 21, ay bukas na sa publiko ang Alay Kapwa telethon, sa pagtutulungan ng Caritas Manila at Radio Veritas 846, na hangaring ay tumulong sa ating mga kababayang nasalanta ng kalamidad at sa iba pang suliraning panlipunan.

Sa taunang sunud-sunod na pananalasa ng mga bagyo sa bansa, handa ang Caritas Manila na tumugon at umaksiyon, sa pamamagitan ng Caritas Damayan, na nagbibigay ng emergency relief assistance, humanitarian aid at pre-disaster trainings.

Sa mga nais tumulong at magbigay ng donasyon sa telethon, tumawag sa 925-7931 (hanggang 39). Bukas din ang mga linya ng telepono sa buong live broadcast ng Radio Veritas 846 at may live streaming din sa www.veritas846.ph.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Maaari ring magdeposito sa: Account Name - Caritas Manila Inc., BPI-3063-5357-01; BDO-5600-45905; Metrobank-175-3-17506954-3; at sa lahat ng Cebuana Lhuillier branch. (Ellaine Dorothy S. Cal)