Naitala ang bagong marka na 883 kalahok sa gaganaping 2016 Thunderbird Enertone Challenge 5-Cock Derby, sa Roligon Mega Cockpit Arena sa Marso 27-31.

Sa 610 entry sa 2-cock elimination, sasabak ang nalalabing kalahok sa tatlo pang elimination sa Roligon Mega Cockpit na nagtatangkang maabot ang pinakamaraming lahok sa kasaysayan.

Ang provincial elimination ay nakatakda ngayong araw sa Twin Creek Cockpit Arena, sa Brgy. Pingit, Baler Aurora sa paanyaya ni Jaime Escoto (0949-310-1034); sa SBMA Cockpit, Olongapo, sa paanyaya ni Jerry Jorge (0939-897-8091); Gen. Trias Cavite at Malabon Grande Coliseum, sa paanyaya ni Edwin Monton (0915-905-4797/0949-941-0244); at Guagua Cockpit Arena, Pampanga sa Marso 29 sa paanyaya ni Ompong Qatar.

Sa pangalawang taon, ginagarantiya ng Thunderbird Enertone Challenge 5-Cock Derby ang premyong P2.5 milyon sa abot-kayang entry fee na P3,300, plus 20 empty pack ng 1-kilo pakete ng Enertone.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Makakaabante sa 3-cock finals ang sinumang kalahok na makapuntos ng 2 puntos sa elimination. Ang straight-five fights ay mariing ipinagbabawal sa panahon ng labanan para sa kampeonato.

Sa paanyaya ni Ka Lando Luzong, tagapangulo ng All Angles Media, ang taunang Thunderbird Enertone Challenge ay ispesyal na nakadesinyo para sa small at medium breeders upang makalahok sa isang derby na tumitiyak sa malaking premyo sa abot-kayang entry fee.