Nakamit ng Ateneo de Manila ang pagkakataon para sa minimithing three-peat nang pabagsakin ang University of Santo Tomas, 25-18, 21-25, 25-19, 25-16, kahapon para makopo ang Final Four slot ng UAAP Season 78 men’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umiskor ng double digit ang apat na Blue Eagles, sa pangunguna ni Ysay Marasigan, na may 17 puntos, para makamit ang ikawalong sunod na panalo at kabuuang 10-1 karta para manatiling lider sa torneo.

Kumana ng 16 puntos si two-time Most Valuable Player Marck Espejo, habang may tig-12 puntos sina Oshua Villanueva at Rex Intal para sa Ateneo.

Naitala naman ni Season 77 Finals MVP Ish Polvorosa ang kahanga-hangang 44 excellent set, bukod sa limang puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Officially nasa Final Four na kami but I told my boys that we will not stop until we get the opportunity and chance to be in the no. 1 or no. 2 position again,” sambit ni Ateneo coach Oliver Almadro.

“And then a chance to play in the finals and the opportunity and chance to be champions again.”

Nasiguro rin ng Blue Eagles ang playoff para sa twice-to-beat advantage sa semi-finals.

Nanguna sa Tigers si Arnold Bautista na may 14 puntos, habang tumipa si Tyrone Carodan ng 10 puntos.

Sa ikalawang laro, naisalba ng Adamson University ang matikas na opensa ni Raymark Woo para mapatumba ang La Salle Spikers, 17-25, 25-21, 19-25, 25-20, 15-13, para makasiguro ng playoff pata sa No.4 slot ng Final Four.

Hataw sina Paolo Pablico, Dave Pletado at Bryan Saraza sa Spikers para sa ikalawang sunod na panalo at kabuaang 8-3 karta.

Nagawang mawalis ng Falcons ang Green Spikers sa elimination round sa kanila ang league-record 39 puntos ni Woo.

Nabura nito ang dating record na 37 ni University of Sto. Tomas star Mark Alfafara sa Game 1 ng Final Four sa nakalipas na season.

Bagsak ang Taft-based squad sa 4-7 ata malagay sa alanganin ang kanilang kampanya na makaabot sa Final Four.