Marso 18, 1970 nang pangunahan ni noon ay Cambodian premier at defense minister Lt. Gen. Lon Nol ang isang payapang kudeta na nagpatalsik kay Prince Norodom Sihanouk bilang head of state ng Cambodia.

Nang umagang iyon, nagpadala ang Australian Embassy sa Saigon ng confidential message sa Canberra, Australia tungkol sa planong pagpatay kay Sihanouk. Inihayag ni First Deputy Premier Prince Sisowath Sirik Matak ang pagkakatatag ng Khmer Republic.

Sa mga sandaling iyon, iba’t ibang protesta laban sa Vietnam ang inilunsad sa Cambodia, kinokondena ang Vietnam Cong at ang North Vietnamese government bilang “abusing facilities.” Nakipaglaban ang mga tropa ng komunistang Khmer Rouge sa mga sundalo ng gobyerno ng Cambodia.

Pinagtibay ni Lon Nol ang ugnayan ng kanyang bansa sa United States (US). Abril 1, 1975 nang lumipad siya patungong US, habang sinasalakay ng tropa ng Khmer Rouge ang kabisera ng Cambodia na Phnom Penh.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’