Hinagisan ng granada at pinaputukan pa ng mga lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo ang isang nakaparadang police mobile pick up ng Manila Police District (MPD)-Station 10 sa Pandacan, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Masuwerte namang hindi pumutok ang granada kaya hindi ito nakapaminsala.

Ayon kay Supt. Edilberto Leonardo, hepe ng MPD-Station 10, dalawang hindi nakilalang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo ang naghagis ng granada sa kanilang mobile car at nagpaputok pa ng baril bago tumakas.

Sinabi ni Leonardo na unang inakala ng mga pulis na naghagis lamang ng bato ang mga suspek ngunit nang magpaputok na ito ng baril ay saka nila napagtanto na may masamang balak ang mga suspek kaya agad nilang hinabol ngunit hindi na naabutan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binarikadahan naman ng bomb squad ang lugar para mainspeksiyon ang granada.

Ayon sa bomb squad, ang inihagis na granada ay military type at posibleng nakuha sa black market.

Mabuti na lamang umano at hindi sumabog ang granada dahil sa malfunction, dahil kung hindi ay maaaring umabot hanggang 15-meter radius ang pinsala nito. (Mary Ann Santiago)