WARSAW (AFP) – Bibisita si Pope Francis sa Auschwitz-Birkenau concentration camp bilang bahagi ng paglilibot niya sa Poland sa Hulyo para pamunuan ang World Youth Day.

Bibisitahin niya ang dating Nazi death camp sa katimugang Poland sa Hulyo 29, sa ikatlong araw ng kanyang pagbisita sa bansa, ayon sa pinuno ng KAI Catholic news agency na si Marcin Przeciszewski.

Bumisita rin sa nasabing death camp sina Pope John Paul II—isang Polish—noong 1979, at Pope Benedict XVI noong 2006.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo