BURGOS, Ilocos Sur – Niyanig ng lindol na may lakas na 5.2 magnitude ang mga lalawigan sa Ilocos at Cagayan Valley Regions kahapon ng tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Porferio De Peralta, Phivolcs researcher, naramdaman ang 5.2 magnitude na lindol kahapon ng tanghali na ang epicentre ay nasa 40 kilometro hilaga-kanluran ng Laoag City, at may lalim na 10 kilometro.

Aniya, naramdaman ang intensity 5 sa Laoag City, Sarrat at Pasuquin, pawang sa Ilocos Norte; at sa Burgos, Ilocos Sur; intensity 4 sa Vigan City, Ilocos Sur; at intensity 3 sa Sinait, Ilocos Sur; at Pamplona, Cagayan.

(Freddie G. Lazaro)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?