KASALUKUYANG nasa bakasyon, engaged na sina Ciara at Russell Wilson. Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Nag-tweet si Wilson ng video habang sila ay nagdiriwang at sinabing, “Since day one I knew you were the one.”

“She said Yes!!! Since Day 1 I knew you were the one. No Greater feeling...#TrueLove @Ciara”

Medyo mabilim ang video, pero hindi na kinailangan pang ilawan ang buong paligid para makita ang malaking singsing sa daliri ni Ciara.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Yay I’m so excited,” sabi ni Ciara sa video. “God is so good.”

Isang taon nang magkasintahan sina Wilson at Ciara. Ito ang ikalawang pagpapakasal ni Wilson at una naman para kay Ciara, na dating engaged kay Future, ang ama ng kanyang anak. (Yahoo News/Celebrity)