VICTORIA, Tarlac - Nasugatan pero nailigtas ang isang bedridden matapos na maglagablab ang kanyang bahay sa Barangay Maluid, Victoria, Tarlac.

Kinilala ni FO3 Irma Aquino ang nagtamo ng second degree burns sa katawan na si Tony Datu, nasa hustong gulang, na nailigtas sa sunog ng isang Sgt. Cordova.

Napag-alaman na nagsimula ang sunog dakong 9:35 ng umaga nitong Huwebes sa kuwarto ni Datu matapos mag-over heat at sumiklab ang gamit niyang electric fan hanggang sa kumalat ang apoy sa buong bahay.

Nang magresponde ang mga tauhan ng Victoria-Bureau of Fire Protection (BFP) ay halos tupok na ang kalahati ng bahay ni Datu na ganap na naapula dakong 10:15 ng umaga. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito