“DAGDAG sahog din sila.” Ito ang paglalarawan ng production staff ng TV network na konektado ang magka-love team na kasalukuyang may serye ngayon.

Aware naman daw ang talent agency ng magka-love team na hindi pa sila sikat o puwedeng ihanay sa sikat na love teams ngayon, kahit nakakailang programa’t pelikula na rin sila, dahil alam na marami pang kulang sa dalawa.

Guwapo at maganda ang magka-love team, pero hilaw pa raw in terms of acting, at ito raw ang ginagamot ng talent agency ng dalawa.

“Nakailang workshop na nga sila, eh, ang daming pinagawa sa kanila, kulang pa rin. But since kinukuha naman sila sa project, eh, di sige lang sayang din naman ang exposure,” katwiran ng staff na kausap namin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Panay din daw ang salang sa magka-love team sa iba’t ibang TV guestings para makilala sila at pampadagdag din sa profile para sa ad agencies.

“Puwede kasi silang pang-TVC, di ba? Aminin, ganda ng fez (face) nila,” sabi sa amin.

Oo naman, wala naman kaming masabi sa itsura ng magka-love team. Pero sa tingin namin ay mahihirapan o hindi sila masyadong sisikat, tulad ng mga sikat na love team ngayon.

Bukod dito ay naunahan na ng ‘nega’ ang magka-love team noong i-launch sila, dahil walang saysay kung magsasagot sa mga tinatanong ng reporters sa kanila. (Reggee Bonoan)