Marso 8, 1950 nang magsimulang bumuo ang automobile firm na Volkswagen ng Volkswagen Type 2, o ang “microbus” na naging patok sa mga American hippie noong 1960s. Ang nasabing sasakyan ay nakilala sa hugis nitong boxy at nasa likurang bahagi ang makina.

Ang negosyanteng Dutch na si Ben Pon ang nag-isip ng konsepto ng modelo noong 1940s, matapos makitaang may potensiyal na maging mabenta ang maliliit na bus, dahilan upang palawigin ng mga engineer sa nasabing kumpanya ang ideya. Ang mga bus ay pinangalanang “Splittie” at “Combi”, dahil sa pagkakaroon ng magkahiwalay na windshield at pagiging multi-use vehicle, ayon sa pagkakasunod. Ito ay tinawag ding “Bulli” sa Germany.

Ginagamit ng iba ang “microbus” sa mga concert at peace rallies. Ang nasabing sasakyan, na ikalawang produkto ng Volkswagen, ay hindi pumatok sa United States noong una dahil sa unorthodox nitong hugis.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!