CEBU CITY – Pinatunayan ni Jhack Tepora na karapat-dapat siyang ihanay sa mga papasikat na Pinoy fighter nang pabagsakin ang mas beteranong si Jason Tinampay sa ika-limang round ng kanilang duwelo sa Who’s next? Pro Boxing Series sa Cebu Coliseum.

Tinaguriang ‘Pinoy Golden Boy’ bunsod ng impresibong record bilang amateur, dinomina ni Tepora ang karibal para angkinin ang bakanteng WBO Youth Asia-Pacific super bantamweight title. Bunsod din ng panalo, nakopo niya ang No.15 sa world ranking.

Maingat, ngunit mabilis sa counter-punch ang 21-anyos na si Tepora dahilan para mailista ang puntos. Sa fourth round, mas naging agresibo ang pambato ng Omega Gym kung saan pinaliguan niya ng kombinasyon ang katawan ni Tinampay.

Mas malalakas at sunod-sunud na kombinasyon ang binitiwan ni Tepora dahilan para mapaluhod ang karibal. Kaagad na binilangan ni referee Bruce McTavish si Tinampayan na nabigong makabangon may 2:05 sa ikalimang round.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Tepora’s good footwork neutralized Tinampay’s lunging style and with his well-timed heavy punches, Tepora begun to dominate Tinampay the rest of the fight,” ulat sa Philboxing.com.

“Finally, a flurry of head and body shots sent Tinampay down and out at 2:05 mark of the 5th round.“

Sa undercard ng laban, tinalo ni one-time world title challenger Vergilio Silvano sa 10-round unanimous decision ang beteranong si Fernando Ocon sa mga iskor na 96-94, 96-94 at 97-93. (Gilbert Espeña)