Aminado si vice presidential candidate Leni Robredo na si Senator Bongbong Marcos ang malakas niyang kalaban sa karera para sa pangalawang pinakamataas na puwesto sa bansa.

“Marcos is already a formidable opponent. His (survey numbers) are very steady in going up, not like of Chiz (Senator Francis Escudero) who started high because he’s very popular but are now going down,” wika ni Robredo sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang pagdiriwang ng International Women’s Day sa Makati City Coliseum.

Lumutang sa mga huling survey na pumantay na si Marcos kay Escudero sa highest spot habang nananatiling pumapangalawa o pumapangatlo si Robredo.

“He has many resources, not only in air (broadcast media) but also on the ground. It’s really difficult to match his resources,” pag-amin ni Robredo.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Ngunit sinabi ni Robredo na hindi siya nawawalan ng pag-asa na ang karera para sa pangalawang pangulo ay hindi lamang tungkol sa pera. (Aaron B. Recuenco)