YANGON, Myanmar – Tatlong Pinoy fighter ang kabilang sa 10-fight card ng ONE Championship: Union of Warriors sa Marso 18 sa Thuwanna Indoor Stadium.

Tatampukan ang laban sa nangungunang mixed martial arts (MMA) promotion sa Asya nina hometown hero “The Burmese Python” Aung LaN Sang laban kay Mohamed Ali ng Alexandria, Egypt.

“Last year, as part of our growth plan to bring opportunities to countries with a rich history in martial arts, we entered Myanmar for the first time in June, bringing our signature brand of world-class MMA to fans here in Yangon with the support of Z Corp, Skynet, the Lethwei Federation, and the Ministry of Sports. This time, we intend to play off our success and establish yet another amazing night of MMA action,” pahayag ni ONE executive Victor Cui.

Haharapin ni Filipino flyweight champion Eugene Toquero si dating flyweight world champion Adriano “Mikinho” Moraes, naagawan ng korona ni Kairat Akhmetov via decision.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Itinuturing na isa sa pinakamabilis at premyadong flyweight standout sa ONE, kumpiyansa si Toquero (8-2)na muling makakabalik sa title fight.

Mapapalaban naman si Team Lakay Edward Kelly kontra kay Jordan “Showtime” Lucas, ang nangungunang bantamweight fighter ng Australia.

Hindi rin pahuhuli si Robin Catalan na sasalang sa kanyang‘debut fight’ kontra sa beteranong si Alex “Little Rock” Silva ng Brazil.