AWARE kaya ang kilalang TV executive na huling programa na niya ang umeere ngayon sa TV network na pinaglilingkuran niya?

In passing, naikuwento ng aming source na pinagbigyan ng management ng network ang programang ito ng kilalang TV executive dahil naikasa na raw at maraming artista ang kasama sa show.

Pero ngayon, pinagdedesisyunan na ang pagsibak sa kanya.

Nabukelya raw kasi ng top guns ng network ang napakalaking budget na parating kinukuha ng TV executive sa tuwing may project siya gayong hindi naman pala kalakihan ang gastos sa mga ito.

Blind Item

Aktor, sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa syndicated estafa?

“Nu’ng hingan siya ng report tungkol sa mga gastos ay hindi raw maipaliwanag ng TV executive kung anu-ano ang pinaggamitan ng kinuhang buje. Maraming tanong ang hindi niya masagot, like saan napunta ‘yung ginastos sa ganito, wala naman kasing nakikitang product,” kuwento ng source.

“Na-background check na siya kaya marami siyang dapat i-explain sa susunod na management meeting,” sabi pa sa amin.‘Yun na! --Reggee Bonoan