SEOUL (AFP) – Iniutos ni North Korean leader Kim Jong-Un na ihanda ang nuclear arsenal para sa anumang oras na pre-emptive use, sa inaasahang pagtindi ng sagutan matapos pagtibayin ng UN Security Council ang bago at mabibigat na parusa laban sa Pyongyang.

Ipinahayag ni Kim na ang nuclear warheads ng North ay “on standby so as to be fired at any moment,” iniulat ng official KCNA news agency ng North nitong Biyernes.

Idinagdag din niya na masyado nang mapanganib ang sitwasyon sa hating Korean peninsula kayat kailangan nang ibaling ng North ang military strategy nito para sa “pre-emptive attack”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina