Robin-Padilla copy copy

SHELVED na ba ang Family Feud, na napabalitang iho-host ni Luis Manzano, kaya ibang game show ang ipapalit sa Kapamilya Deal or No Deal (KNOND)?

Finale episode na kasi ngayong hapon ng KDOND tampok sina Kim Chiu at Xian Lim bilang bahagi ng promo ng The Story of Us na ngayon ang pilot week.

Matatandaang in-extend ang KDOND na lumibot pa sa mga barangay sa Metro Manila habang hinihintay sigurong maikasa ang Family Feud, pero hindi pa yata buo ang mga taong hahawak nito.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaya ang ipapalit ay ang Game ng Bayan na si Robin Padilla ang host at segment host naman sina Alex Gonzaga at Eric Nicolas.

Ayon sa spy namin sa ABS-CBN, isasalang na raw ito sa Lunes.

Kung hindi mababago ang plano, makakatapat ng Game ng Bayan ang game show ni Willie Revillame sa GMA-7.

Teka, di ba’t magkaibigang matalik sina Eric at Willie? Hindi kaya sumama ang loob ng huli?

Kapansin-pansing mabango sa ABS-CBN si Eric, na simula nu’ng napasama sa Your Face Sounds Familiar ay hindi na nabakante. Katunayan, magiging dalawa ang show niya dahil co-host din siya ni Anne Curtis sa I Love OPM.

Dalawa na rin ang magiging programa ni Robin, ang Pilipinas Got Talent 5 at itong Game ng Bayan kaya pitong araw siyang napapanood sa ABS-CBN tulad ni Eric. (REGGEE BONOAN)