Hangad ng De La Salle – Zobel na mapawi ang pagkauhaw sa titulo sa kanilang pagsabak laban sa National University Bullpups sa Game Three ng juniors basketball championships ng 78th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa San Juan Arena.

Kailangan ng DLS Zobel na talunin pa ng dalawang sunod ang NU Bullpups, bitbit ang thrice to beat advantage, para maisakatuparan ang hangaring magtagumpay sa pagkakataong ito.

Nakabawi ang Greenies sa Game Two para tuldukan ang winning streak ng defending champion.

“We want to improve more on Friday,” sabi ni DLSZ Greenies coach Boris Aldeguer sa pagdalo nito kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“NU is a very formidable team but our players wanted more to prove they are worthy challenger,” aniya.

Huling tumuntong sa kampeonato ang Greenies noong 2009 kung saan nabigo ito sa karibal na Ateneo na noon ay pinamumunuan ni Kiefer Ravena. Nagawa naman nitong magwagi noong 2005 bago nasuspinde ang koponan sa liga noong 2006 at nagawang magkampeon muli noong 2007.

Kung kaya naman ang mahabang pagkauhaw sa korona ang nagsisilbing motibasyon sa mga magtatapos na manlalaro ng Greenies upang tuluyang putulin ang siyam na taon na kabiguan sa korona.

“It’s a tough task but our players, especially the seniors, vowed to go all out. I hope the urge, hunger and the will of the players will pull us through. I am happy with what we achieved right now but since we are here, I surely hope for the best finish,” sabi ni Aldeguer. (ANGIE OREDO)