BONGABON, Nueva Ecija - Limang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 42-anyos na barangay tanod makaraan siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin sa Bongabon-Rizal Provincial Road na sakop ng Barangay Palomaria sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Bongabon Police ang biktimang si Rogelio Evangelista y Ariola, may asawa, magsasaka at barangay tanod, ng Bgy. Macapsing.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Bradimir O. Telo, dakong 7:40 ng umaga, sakay ni Evangelista sa kanyang motorsiklo angkas ang 11-anyos niyang anak na babae na ihahatid niya sa eskuwela nang pagtapat sa Bongabon Essential School ay sumulpot ang tatlong suspek at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa anak ng biktima, isa sa mga suspek ang sumigaw ng “Walang makikialam, mga NPA kami!” bago tumakas.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinatayang nasa edad 18-23 ang mga suspek, na nakasuot ng berdeng short pants at itim na T-shirt. (Light A. Nolasco)