Kinilala si Manny Pacquiao bilang pambihirang kampeon at dakilang boxer matapos makamit ang hindi lamang isa kundi WALONG korona sa iba’t ibang dibisyon mula sa matitinding kalaban. Kung hindi niya nalampasan ang mabibilis na suntok ni Mayweather at nahirapan siya kay Bradley, ngayon pa lamang ay pinahihirapan na siya ng mga kalaban niyang BRADgay. Ito ay samahan ng isang tambak na mga bading at tomboy na kabilang sa tinatawag na lesbians, gays, bisexuals, and transgenders (LGBT) community.

Halos dalawang linggo pa lamang nang maging kasing-bilis ng mga paa ni PACQUIAO sa ibabaw ng ring ang kanyang bunganga. Hindi nga natapilok ang kanyang mga paa ngunit natapilok naman ang kanyang dila.

Sa panayam sa isang programa sa telebisyon ay tinanong sa kanya ang kanyang paninindigan tungkol sa same sex marriage. Mabilis pa sa kidlat ang kanyang naging sagot at siya ay hindi pabor dito. At idinugtong na: “Ang mga nagsasagawa nito ay HIGIT pa sa HAYOP.”

Santa Maria, Cong. Pacquiao, kaawaan ka nawa ni Aling Dionisia.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Masyadong mabigat ang mga pananalitang ito para sa LGBT community. Sino nga ba naman si Mr. Pacquiao para magsalita ng ganito? “Higit pa sa hayop”?

Wala na tayo sa panahong kung saan ang mga bakla at tomboy ay nagtatago at nahihiyang magladlad. Ngayon ay iba na, lantaran na sila. Katunayan, sa showbiz ay maraming matatagumpay na personalidad na kabilang sa tinatawag na third sex at ito ay tinatanggap na ng publiko. Kung tinatanggap na ito ng madla, bakit natin lilimitahan ang kanilang kalayaan bilang tao? Kasalanan ba ang pagiging bading o tomboy ng isang nilalang? Kung kasalanan iyan ay bakit pinayagan ng Diyos na isilang sila sa kanilang kalagayan?

Ang laging idinadahilan ni Mr. Pacquiao ay ang Bibliya. Pero gaano ba kalalim ang kaalaman at pagkakaunawa niya sa mga Salita ng Diyos? Hindi kaya nakabasa lamang siya ng ilang talata ay inakala na niyang dalubhasa na siya rito? At kung ang Bibliya ang lagi niyang isasangkalan sa kanyang panunungkulan kung sakali at magwaging senador ay baka hindi siya maging epektibo.

Kung sabagay, ni sa hinagap ay hindi namin inisip na iboto si Mr. Pacquiao. Tama na ang nasaksihan naming kapabayaan niya sa tungkulin bilang Congressman.

Tama na iyon. Mag-boxing na lang siya! (ROD SALANDANAN)