Inihayag ng isang obispo na patuloy na pagbabago ng puso ng tao, lalo na ng mga leader ng bansa, ang tunay na kahulugan ng taunang paggunita sa EDSA People Power Revolution.

Ipagdiriwang ng bansa sa Huwebes, Pebrero 25, ang ika-30 anibersaryo ng unang EDSA People Power.

Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, mahalagang gunitain ang “bloodless revolution” upang hindi na bumalik ang masasamang ugali at pagiging sakim sa kapangyarihan na nilabanan ng taumbayan noong 1986.

“Para sa akin, its people power and we call it also EDSA Revolution. But for me, it’s a revolution from the heart that means the revolution. The transformation is keep on going, it does not stop with February 25, 1986 event but it should be an ongoing conversion for all of us, people and our political leaders,” sinabi ni Cabantan sa panayam ng Radio Veritas. - Mary Ann Santiago
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'