Nanood muna ng kanyang paboritong teleserye na “Ang Probinsiyano” ang isang lalaking scavenger bago nagbigti dahil sa labis na pangungulila matapos siyang iwan ng kanyang live-in partner sa Malabon City, nitong Biyernes ng gabi.

Wala nang buhay nang makita ng kanyang mga kapitbahay si Alexis Borja, 28, ng No. 300 Sitio 6, Barangay Catmon.

Kuwento ng kapitbahay ni Borja, dakong 8:00 ng gabi ay namataan pa niya ang huli na nanonood ng “Ang Probinsiyano.”

Makalipas ang ilang oras, napansin ng kapitbahay na bukas pa rin ang telebisyon ni Borja pero wala nang nanonood, at nang kanyang silipin ay nakita niya itong nakabigti sa bubungan at wala nang buhay.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

Nabatid na naging malulungkutin si Borja simula nang iwan ito ng kinakasama.

“Naglayas daw ‘yung babae kasi hindi na kuntento sa kinikita ni Alex,” kuwento pa ng kapitbahay. (Orly L. Barcala)