ALABAT, Quezon – Isang retiradong pulis ang nagbaril sa sariling ulo sa loob ng kuwarto ng kanyang bahay sa Barangay 4, Alabat, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Alex C. Angulo, 59, may asawa, retiradong pulis, at residente sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon, natutulog si Angulo sa silid kasama ang asawa nang gisingin niya ang ginang dakong 4:00 ng umaga at utusang silipin ang kanilang may sakit na apo, na nasa kabilang silid.

Sumunod ang ginang na kalaunan ay nakadama ng pagkabalisa kaya bumalik siya sa silid nilang mag-asawa hanggang matuklasan niya si Angulo na wala nang buhay sa pagkakahiga sa kama at natagpuan niya malapit dito ang isang .45 caliber pistol. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae