Dalawang tauhan ng pulisya ang napatay habang limang iba pa ang nasugatan sa pananambang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Candoni, Negros Occidental, nitong Huwebes ng gabi.

Sa report na tinanggap ng Camp Crame, nakilala ang mga napatay na sina PO3 Johari Peralta at PO1 Henry Vell Pacheco.

Kinilala naman ang mga sugatang pulis na sina PO2 Boy Mati, PO1 Modesto Bina, at PO1 Jay Arroyo, habang nadamay din ang dalawang sibilyan na sina Julius Miravalles at Rey Duales.

Ayon sa report, rumesponde ang mga pulis sa isang komosyon sa lugar at pabalik na sa police station nang tambangan ng mga rebelde.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nagawa pang gumanti ng putok ng mga pulis at inabot ng 20 minuto ang engkuwentro. (Fer Taboy)