Nadine at James copy

NGAYONG lang kami nakarinig na sold out kaagad in just 7 hours mula nang ilabas ang tickets ng JaDine Love concert nina James Reid at Nadine Lustre na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado, Pebrero 20.

 

Kaya maraming JaDine fans ang nagpoprotesta at nagre-request na magdagdag pa ng tickets ang Araneta para sa hindi pa nakakabili at naggaling pa sa ibang bansa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Umabot na sa P9M ang revenue ng JaDine Love sa unang bentahan ng tickets. Muling nagdagdag ng SRO (standing room only) tickets noong Martes, Pebrero 16 at sold out na naman.

Iisa lang ang ibig sabihin nito, hindi na maitatanggi na ang JaDine talaga ang hottest love team ngayon.

 

Hindi lang ang concert tickets ang laging naso-sold out, pati na ang lahat ng OTWOL merchandise gayong nakakailang batch na ng pagawa, lalo na ang mga unan na pinagkakaguluhan ng kanilang fans.

 

Maging ang JaDine slumbook ay nasa ikatlong printing na, ayon mismo sa ABS-CBN Publishing. Ang nakakatuwa, nananatiling humble sina James at Nadine na nagugulat hanggang ngayon sa mga blessing na natatanggap nila. Inaamin nilang utang na loob nila ito sa lahat ng kanilang supporters.

 

Nangako sila na pakikiligin nila ang lahat ng manonood sa JaDine Love concert sa Sabado bagamat aminadong kabado sila dahil mapapanood nila ng halos buong Pilipinas kasi nga may pay per view pa ito.

 

Ano ang feeling nina James at Nadine sa overwhelming na pagtanggap ng tao sa kanila?

 

“I guess they looked at us as role models, I’m proud that people looked up to us. It’s surreal, a dream, never imagine that this could be happen on this level. Sold out concert in Araneta is (unbelievable),” sagot ni James.

 

“Ibibigay po namin ang 120 percent namin para po masiyahan sila,” sabi naman ni Nadine.

 

Pagkatapos ng Araneta concert ay diretso na sila sa kanilang world tour concert na magsisimula sa March 18 sa Doha, Qatar; March 19-Dubai; March 26 – London at March 27 – Milan, Italy kasama sina Jay-R at Yeng Constantino.

 

“Close friend pa rin po” ang sagot ni James na inayunan ng dalaga nang tanungin sila for the nth time tungkol sa real score nila.

 

Kung close friends pa rin, bakit magkasama sila noong Valentine’s Day sa Rockwell Power Plant Mall?

 

“To be honest, there was a dinner plan, but the restaurants were closed so, we just bought computer games,” pag-amin ni James.

 

May regalo ba sila para sa isa’t isa?

“None,” diretsong sagot ng binata.

 

Wala raw silang relasyon, pero nagki-care sila sa isa’t isa at pati ang pananamit ni Nadine ay sinisita ni James.

Inaming ng binata na ito ang dahilan nang mag-away sila sa unang pagkakataon sa premiere night ng WangFam na nakunan ng TV cameras.

 

Mula raw noon ay hindi na sila nag-away ulit at hindi na mangyayari pa.

 

Medyo nahihiwagaan lang kami kina James at Nadine kung bakit ingat na ingat sumagot sa personal questions. Halata kasi na bago bumuka ang bibig nila ay pinag-iisipan muna nilang mabuti ang mga isasagot, baka nga naman madulas sila o mabigyan nila ng ‘clue’ ang press kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ngayon.

 

Naalala tuloy naming ang sinabi ni Robin Padilla sa binigyan niya ng golden buzzer sa Pilipinas Got Talent Season 5, “Hindi n’yo ‘ko maloloko, ‘tong tanda ko nang ito. Hindi ninyo magagawa nang maganda (ang performance) kung hindi ninyo mahal ang isa’t isa.”

 

Korek, hindi magagawa ng JaDine na pakiligin nang husto ang mga sumusubaybay ng On The Wings of Love kung hindi nila mahal ang isa’t isa.

 

Samantala, abangan daw ang finale ng JaDine Love dahil may revelation ang dalawa, pero inunahan na ni James na hindi ito tungkol sa relasyon nila kundi tungkol sa pagtatapos ng On The Wings of Love sa Pebrero 26.

 

Kaya sa mga OTWOLISTAs, tara na sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado! Produced ng ABS-CBN, Dreamscape Entertainment at Viva Concerts ang JaDine Love. (REGGEE BONOAN)