Laro ngayon

(The Arena)

3 n.h. -- Opening Ceremony

4 n.h. -- RC Cola-Army vs Foton

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

6 n.g. -- F2 Logistics vs San Jose Builders

Mapapalaban kaagad ang nagbabalik na dating kampeon na Philippine Army-RC Cola kontra sa matikas na Foton Tornadoes sa pagbubukas ng 2016 Philippine Superliga Invitational Conference women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Matapos ang tatlong taong pahinga, magbabalik ang three-time champion bitbit ang mas pinalakas na komposisyon upang muling mangibabaw sa torneo.

Haharapin nila ang Foton ganap na 4:00 ng hapon.

Agad na isusunod ang salpukan sa pagitan ng kapwa baguhan na F2 Logistics at New San Jose Builders sa tampok na sagupaan ganap na 6:00 ng gabi.

Isang maikling seremonya muna ang isasagawa sa pagsapit ng 3:00 ng hapon upang ipakita ang bagong konsepto ng torneo na magsisilbing panghimagas sa mas malaki at mas matinding All-Filipino Conference, Beach Volleyball at ang natatangi na panghuling Grand Prix.

Ang mga laro ay ipapalabas ng live sa opisyal na broadcast partner ng liga na TV5.

Kampeon sa unang tatlong titulo ng liga, ang Lady Troopers ang agad na kinonsidera bilang team to beat matapos muling iparada ang bumubuo sa koponan na nagawang magtala ng kasaysayan sa torneo.

Magbabalik ang setter na si Tina Salak pati na ang seasoned spikers na sina Michelle Carolino, Nene Bautista, Mary Jean Balse-Pabayo at Joanne Bunag. Nadagdag pa sa lakas nito sina Jovelyn Gonzaga, Honey Royse Tubino at si Rachel Anne Daquis.

“Yes, we dominated (the league), but that was three years ago. A lot of things already happened, a lot of young players already got stronger,” sabi ni coach Kung Fu Reyes.

“It’s now an entirely different ballgame. Ibang-iba na ang sitwasyon ngayon kesa sa sitwasyon noon. medyo tumanda na din kami.” (ANGIE OREDO)