Kulungan ang bagsak ng isang administrative aide ng lokal na pamahalaan ng San Manuel, Pangasinan dahil sa umano’y pananakit at pagbabanta sa isang GRO (guest relations officer).

Kinilala ng Pangasinan Police Provincial Office ang suspek na si Diego Carana, 40, ng Barangay Flores, San Manuel, Pangasinan.

Nabawi sa suspek ang isang caliber .45 Armscor pistol na may dalawang magazine.

Ayon sa imbestigasyon, na-pick-up umano ni Carana ang biktimang si Mary Ann Santos, 26, at dinala sa Mayumi Inn sa Poblacion, San Manuel, dakong 2:00 ng umaga kahapon.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Subalit nang hindi magkasundo sa presyuhan, nagdilim ang paningin ng suspek at sinikmuraan ang GRO bago ito tinutukan ng baril at pagbantaan na papatayin.

At dahil lango sa alak, nakatakas si Santos sa suspek at agad na humingi ng tulong sa mga room boy na nagresulta ng pagkakaaresto ng huli.

Kinasuhan ang suspek ng attempted homicide at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Act.

(Liezle Basa Iñigo)