Kahit galing sa dalawang magkasunod na pagkatalo sa Mexico, kakasa pa rin si Philippine super bantamweight contender Edward Mansito laban kay Jessie Magdaleno sa isang 10-rounder duel sa Phoenix, Arizona sa Linggo (Lunes sa Manila).

Si Magdaleno, isang world-rated fighter, ay kasama ni eight division world champion Manny Pacquiao, sa Top Rank Promotions ni Bob Arum.

Nagtamo nang magkasunod na pagkatalo si Mansito kina WBC International Silver super bantamweight champion Rey Vargas at dating WBC super flyweight titlist Tomas Rojas sa Mexico.

Sa kabila nito, napili pa rin siya ng Top Rank na isagupa kay Magdaleno.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isa sa mga inaasahang magiging kampeon mula sa Top Rank si Magdaleno na kasalukuyang nakalista bilang WBO No. 1, WBA No. 3, IBF No. 5 at WBC No. 10 sa super bantamweight division.

“Unbeaten No. 1 rated super bantamweight Jessie Magdaleno of Las Vegas battles Edward Mansito of the Philippines in a scheduled ten round scrap this Saturday night at the Celebrity Theater in Phoenix, Arizona,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Magdaleno is rated #1 by the WBO, #3 by the WBA, #5 by the IBF and #10 by the WBC. The bout can be seen on the popular UniMas Solo Boxeo Tecate series.”

Tangan ni Magdaleno ang matikas na kartang 22-0, tampok ang 16 TKO. Huling nagwagi ang fighter ni Arum kay Pinoy Vergel Nebran via 1st round knockout noong Oktubre ng nakaraang taon, samantalang si Mansito ay may 13-3-0 marka, tampok ang pitong TKO. (gilbert espeña)