Patay ang dalawang holdaper na pumalag sa mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD), habang sugatan ang isang pulis, sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat kay QCPD Director P/chief Supt. Edgardo G. Tinio, kinilala ang isa sa mga namatay na si Jovin Santos, 40, ng Amay 1, Tanza, Cavite, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasama.

Nagpapagaling naman sa Chinese General Hospital si PO1 Israel Martinez, na tinamaan ng bala sa leeg at kaliwang braso.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Novaliches Police Station 4, na dakong 10:30 ng umaga, at patungo sa bangko si Dominador Gorgonio, empleyado ng Marco Gennis Supermarket, nang harangin siya sa Susano Road ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo, at hinablot ang kanyang bag na may lamang P620,000 cash.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagkataon na napadaan ang mobile patrol car nina PO1s Martinez, Jillian Pecart Dup-et at Carlo Angelo Dilivios, at namataan nila ang komosyon kaya agad na rumesponde.

Subalit sinalubong sila ng putok ng baril mula sa mga suspek. Gumanti ng putok ang mga awtoridad, at napatay ang dalawang holdaper habang nakatakas ang isa pa, tangay ang pera.

Nakuha ng mga awtoridad sa lugar ang dalawang caliber 45, tatlong magazine ng baril, at Honda motorcycle na may plate number 6315 QE. (Jun Fabon)