SEOUL, South Korea (AP) — Bumulusok ang isang helicopter ng South Korean military sa isang probinsiya sa silangan kahapon, na ikinamatay ng tatlo sa apat na sundalong sakay nito.

Bumagsak ang helicopter sa isang sakahan sa lungsod ng Chuncheon sa probinsiya ng Gangwon habang nasa checkout flight, sinabi ng mga opisyal ng defense at army.

Nasagip ang apat na sundalong sakay ng helicopter, ngunit kalaunan ay namatay ang tatlo sa ospital.

Walang iniulat na nasaktan sa lupa at iniimbestigahan pa ang sanhi ng aksidente.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo