Untitled-1 copy

“LOVELESS, but happy” ang status na sinabi ni Jane Oineza sa presscon ng Always Be My Maybe ng Star Cinema na showing sa February 24, sa direction ni Dan Villegas.

Dinagdagan pa ni Jane ng, “Friends kami. Okay naman kami ngayon. Busy kami pareho at gusto naming mag-focus sa career namin.”

Si Jeron Teng ang tinutukoy ni Jane. Kamakailan lang, sweet-sweet-an sila, pero ngayon, iba na ang kayakap ng guy.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Mukha namang masaya si Jane kahit wala siyang lovelife dahil maganda ang aura niya sa presscon. Nakipagsabayan pa nga siya ng tawa kay Arci Muñoz na may sugar overload sa presscon sa sobrang pagiging hyper.

May sinabi si Jane na, “Love is not a ‘maybe’ kapag napag-usapan, dapat malinaw sa inyong dalawa.” Sabi ng press, siguro malabo ang naging usapan nila ni Jeron kaya hindi nagtagal ang relasyon nila.

Dahil loveless nga, walang date ngayon si Jane, mga kaibigan ang makakasama niyang lumabas. Kapag hindi sila natuloy, sa bahay na lang siya at ang pamilya ang kasamang magsi-celebrate ng Valentine’s Day. Kakain na lang daw siya ng ice cream at pop corn. (Nitz Miralles)