Pansamantalang nagpahinga ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte matapos matapos maospital nang sumama ang pakiramdam nitong Huwebes sa kanyang pagtungo sa Manila para sa isang speaking engagement.

Opisyal na nagsimula nitong Martes ang panahon ng kampanya para sa mga kandidato sa national position, kaya naman marami ang sinimulan nang maglibot sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang si Duterte at ang running mate niyang si Sen. Alan Peter Cayetano.

Nitong Huwebes, inimbitahan ang magkatambal sa 21st Annual Convention ng Philippine Society of Hypertension at Philippine Lipid and Athrosclerosis Society sa isang hotel sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Ngunit papasok na si Duterte sa convention venue nang bigla siyang mapahinto, napasandal sa pader at ilang beses na mariing ipinikit ang mga mata.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Dahil dito, si Cayetano na lamang ang dumalo sa event, at binasa niya ang speech na inihanda ng alkalde para sa pagtitipon.

Paliwanag naman ni Peter Tiu Laviña, tagapagsalita ng Team Duterte: “He (Duterte) was exhausted after non-stop events. He had migraine and advised to rest. We reset his activities today so he can rest.”

“After a week-long sorties in Tarlac, Metro Manila, and Tuguegarao, our presidential candidate Rody Duterte felt ill and had migraine,” post pa ni Laviña sa Facebook.

Iniulat ng media kahapon ng umaga na nagbalik sa Davao City si Duterte nitong Huwebes ng gabi, at sinabi ni Laviña na may mga nakatakdang aktibidad ang alkalde sa siyudad kahapon.

Sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), aminado ang alkalde na nakararanas siya ng bronchitis at sakit sa ulo dahil sa matinding init ng panahon.

Nagpalipas ng gabi si Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan upang sumailalim sa obserbasyon.

Tiniyak naman kahapon ni Christopher “Bong” Go, close aide ni Duterte, na maayos na maayos na ang lagay ng alkalde.

Batay sa advisory mula sa kampo nina Duterte at Cayetano, pangungunahan ng magkatambal ang isang kasalang bayan, isang pre-Valentine’s Day mass wedding, ngayong Sabado sa Barangay Tigatto covered court sa Buhangin District, Davao City. (EDD K. USMAN)