Kylie copy copy

KAMAKAILAN ay kumalat ang tsikang balak lumipat ng ABS-CBN ang anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla na sa Setyembre pa matatapos ang kontrata sa GMA-7.

 

May nagbanggit sa amin na interesado rin daw ang Kapamilya Network kay Kylie dahil magaling siya sa action at walang artistang babae ang ABS-CBN na ka-level ng dalaga ni Binoe.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tinanong namin ang manager ni Kylie na si Betchay Vidanes kahapon tungkol dito.

“Okay naman po kami sa GMA-7, gagawin nga namin ang Encantadia,” kaswal na sabi ng manager ng dalaga.

At totoong sa Setyembre nga magtatapos ang kontrata ni Kylie na inalok ng GMA para gumanap sa dating papel sa Encantadia ni Iza Calzado, si Prinsesa Amihan, ang ikalawang anak ni Ynang Reyna Minea na ginampanan naman ni Dawn Zulueta.

As of now ay excited si Kylie sa bago niyang fantaserye sa Kapuso Network, so mukhang walang katotohanan na nagbabalak siyang lumipat sa Dos. (Reggee Bonoan)