Pebrero 9, 1895 nang mangyari ang unang laban ng volleyball (tinatawag noon na “Mintonette”) sa Holyoke, Massachusetts. Inimbento ni noon ay Young Men’s Christian Association (YMCA) physical education director William Morgan ang nasabing sport.

Naging curious si Morgan sa basketball, na noon ay pinasimulan ng physical education teacher na si Dr. James Naismith. Layunin ng basketball na makapaglaro indoors ang kabataang atleta, ngunit natuklasan ni Morgan na ito ay “physically strenuous.”

Inimbento ni Morgan ang volleyball mula sa kanyang practical experience sa YMCA, at sa kanyang mga pagsasanay sa sports. Ang A.G. Spalding & Bros. ang napili niya para gumawa ng volleyball. Ipinatupad niya ang “final” rules ng laro noong 1896.

Taong 1916 nang inimbento ng mga Pilipinong manlalaro ang estratehiyang “set and spike”, at naging opisyal na Olympic sport ang volleyball noong 1964.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?