Ni Jimi Escala

Vilma, Angel & XianMAHIGIT P100-million na ang kinita ng Everything About Her. Ito ang pahatid balita sa amin ni Mr. Mico del Rosario, ad-prom executive ng Star Cinema. 

Ayon kay Mico, umakyat sa P100M ang kinikita ng pelikulang pinagbibidahan nina Vilma Santos, Xian Lim at Angel Locsin last Friday afternoon. 

Hindi pa kasama sa nasabing figure ang kinita ng pelikula sa abroad. Kasalukuyan din kasi itong palabas sa mga sinehan sa iba’t ibang bansa. Tiniyak naman ng nakausap naming Vilmanians, na halos araw-araw yata ay nag-iikot at nanonood nang paulit-ulit ng naturang pelikula, na mas tataas pa raw ang kita ng Everything About Her ngayong long weekend dahil non-working holiday ang Chinese New Year. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Alam mo naman si Ate Vi, maraming mga fans na Chinese kaya sigurado kami na pipila rin ang mga ‘yun sa pelikula,” sey sa amin ni Mr. Jojo Lim. 

Samantala, nakakuwentuhan namin sa SM City Lipa City ang asawa ng isang barangay official ng siyudad at ibinida niya sa amin ang magagandang nagawa ni Ate Vi sa Lipa noong mga panahong ito pa ang kanilang city mayor. 

“Sobra ang iginanda at talagang maunlad ang Lipa no’ng si Gov. Vi pa ang mayor namin. ‘Kita n’yo naman, mas lalong nakilala ang Lipa noon dahil sa kanya,” sey pa ng nagpakilalang si Mrs. Rowena. 

Banggit pa niya, kahit nasa Kapitolyo na si Ate Vi ay never pinabayaan ng gobernadora ang Lipa. Kahit daw ‘yung mga baku-bakong daan papunta sa kasuluk-sulukang barangay at bundok ay ipinapatag ni Gov. Vi. 

Malayung-malayo raw si Gov. Vi kumpara sa mga kilala nilang pulitiko na naghahangad na mamumuno sa probinsiya lalung-lalo na sa mahal nilang Lipa City. 

“Mabuti naman at tinupad ni Gov. Vi ang sinasabi niya noon sa amin na babalikan niya ang Lipa,” sey pa ng kausap namin.

Pagkatapos ng siyam na taon bilang mayor ng Lipa at siyam na taon ding pagiging gobernadora ng Batangas ay tatakbo for congresswoman si Ate Vi sa lone district ng Lipa. Ngayon pa lang ay nangangamoy-tagumpay na naman muli ang aktres at politician.