Bruno Mars copy

SAN FRANCISCO (AP) — Kinumpirma na sa wakas ni Bruno Mars na isa siya sa mga magtatanghal sa Super Bowl halftime show kasama ang Coldplay at si Beyonce.

Nitong Biyernes, ibinahagi ng pop singer ang kanyang litrato sa Instagram habang nasa Levi’s Stadium sa Santa Clara, California, na pagdarausan ng Super Bowl 50.

Kalakip ng nasabing litrato ang caption na, “It ain’t a party if Mr $how Up & $how out doesn’t show up,” kasama ang hashtag na “confirmed.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nagkaroon ng show-stopping performance ang Grammy-winning singer-songwriter-producer noong 2014 Super Bowl sa East Rutherford, New Jersey. Ang ilan sa mga patok na awitin ni Bruno Mars ay ang Locked Out of Heaven, Just the Way You Are at Uptown Funk kasama si Mark Ronson.