Isang makulay at makabuluhang pagtatanghal ang handog sa araw ng pag-ibig para sa dog lovers ng Asian Kennel Club Union of the Philippines, Inc. (AKCUPI) sa pagsasagawa nito ng ika-67 at ika-68 International All-Breed Championship Dog Show, “My Furry Valentine” sa Pebrero 14 sa Tiendesitas en Frontera Verde sa Ortigas Avenue, Pasig City.

Ang pagtatanghal, isasagawa sa pakikipagtulungan ng Asia Pacific Sporting Dog Club of the Philippines, Inc., Labrador Retriever Owners Club at Pets for Peace ay may dalawang bahagi -- T-shirt painting contest at Costume Fashion Contest.

Tatampukan ng back-to-back All-Breed Championship Dog Shows na huhusgahan ng Filipino judges na sina Fe Lanny Alegado at Edgard Gacula ang programa sa hapon.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Para sa impormasyon, tumawag sa AKCUPI office, 3766597 o bisitahin ang website:www.akcupi.com.