Binatikos ng Pilipinas kahapon ang pagbisita ni outgoing Taiwan President Ma Ying-jeou sa Itu Aba sa South China Sea dahil palalalain lamang nito ang tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Ayon sa mga ulat, lumipad si Ma sa inaangking isla ng Taiwan nitong Huwebes ng umaga at magdadaos ng press briefing sa kanyang pagbabalik sa Taipei.

Nagpahayag na ang gobyerno ng United States ng pagkadismaya sa biyahe, sinabing ang ganitong hakbang ay hindi makatutulong upang mapahupa ang tensiyon sa lugar na ilang bansa sa Asia ang mayroong overlapping claims.

“We remind all parties concerned of our shared responsibility to refrain from actions that can increase tension in the South China Sea,” sabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pahayag. (PNA)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador