Enero 29, 1964 nang ipalabas sa mga sinehan ang black comedy ni Stanley Kubrick na “Dr. Strangelove: How I Learned to Stop Worrying and Love the Bomb”. Ang kuwento ay tungkol sa pananaw ng publiko sa atomic weapons.

Kahit walang permiso, inutusan ng isang opisyal ang mga US bomber na atakehin ang Soviet Union. Nagpatawag ang fictional character na si US President Merkin Muffley ng isang Russian leader, na nagsabi sa una na ang paglulunsad ng atomic attack sa Soviet Union ay maaaring makapinsala sa lahat ng nabubuhay sa Earth, sa pamamagitan ng “doomsday machine.”

Sinasalamin ng pelikula ay realidad, sa pagpapahintulot ni dating US President Dwight Eisenhower sa mga opisyal ng Amerika na magbagsak ng nuclear weapons sa panahon ng emergency, kapag hindi nila makaugnayan ang Presidente.

Gayunman, kinondena ang pelikula bilang isang “Soviet propaganda.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon