Patay ang isang lolo, habang sugatan ang isa pang lalaki makaraang mapagtripan silang saksakin ng isang lalaki sa Tondo, Maynila, nitong Martes.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Nestor Charliongco, 63, residente ng 814 Endaya Street, Dagupan, Tondo, habang nakaratay pa rin sa naturang ospital si John Michael Escuber, 23, residente ng 2033 C. Nepomuceno Street, Tondo.

Batay sa initial report ni PO3 Bernard Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang krimen dakong 3:20 ng umaga sa panulukan ng Velasquez at Capulong Streets sa Tondo.

Naglalakad lamang umano ang mga biktima nang bigla na lamang silang dambahin at pagsasaksakin ng hindi kilalang suspek bago ito tumakas.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Naisugod pa sa naturang ospital si Charliongco ngunit nasawi rin makalipas ang ilang oras, habang under observation pa rin si Escuber. (Mary Ann Santiago)