Tiniyak ng Department of Health (DoH) sa publiko na handa sila upang mapigilang makapasok sa bansa ang Zika virus na kumakalat ngayon sa Latin America.

Ayon sa tagapagsalita ng DoH na si Dr. Lyndon Lee Suy, may mga nakahanda na silang paraan laban sa naturang sakit.

Paliwanag niya, ang lamok na nagdudulot ng Zika virus ay ang kaparehong lamok na nagdadala rin ng dengue at Chikungunya virus.

Dahil dito, pareho rin, aniya, ang sistema na gagamitin ng kagawaran para mapigil ang Zika virus.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ikinuwento pa ni Suy na noong 2012 ay nakapagtala na ang DoH ng isang kaso ng Zika virus sa bansa ngunit hindi na ito nadagdagan simula noon.

“We actually documented one case in 2012 and we haven’t seen any further case after that. But just the same, since it’s the same mosquito transmitting dengue and chikungunya, any measure against dengue and chikungunya will be the same control or measure against the Zika virus,” ani Lee Suy.

Nabatid na ang Zika virus ay nagdudulot ng brain damage sa mga naapektuhan nito.

Sa ilang kaso sa Latin America, ito rin ang hinihinalang sanhi ng physical at mental defects sa mga sanggol.

(MARY ANN SANTIAGO)