Isang konsehal ang namatay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng isang sabungan sa Tabango, Leyte, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Councilor Anthony Sevilla Nuñez, 31, ng Barangay Manlawaan, Tabango, Leyte.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Ronald Allan Villena, ng Tabango Municipal Police, nangyari ang pamamaril sa sabungan sa Bgy. Manlawaan.

Namatay ang konsehal dahil sa isang tama ng bala sa ulo matapos maisugod sa ospital.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa pulisya, .9mm pistol ang ginamit na baril ng suspek, batay sa narekober na tatlong basyo sa crime scene.

Nabigong makilala ng saksi ang suspek na nakatakip ang mukha, habang nagsilbi namang lookout ang kasamahan ng suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay sa motorsiklo, at patuloy na inaalam ang motibo sa pagpatay sa konsehal.

(FER TABOY)