Nagpatuloy ang pagratsada ng Colegio de San Lorenzo at ng National College of Business and Arts matapos kapwa muling magwagi sa ginaganap na 8th Universities and Colleges Athletic Association men’s basketball tournament sa Central Colleges of the Philippines gymnasium sa Sta. Mesa, Manila.

Tinalo ng CSL Griffins sa pamumuno nina Rustom Borja at Dirk Montes ang PATTS College of Aeronautics Sea Horses, 65-60, habang inilampaso ng Wildcats ang Philippine Nautical and Technological College Mariners, 75-49.

Ang panalo ang ikalimang sunod para sa Griffins na kailangan na lamang ng dalawa pang panalo para makamit ang asam na outright semifinals slot .

Dahil sa kanilang kabiguan, bumaba ang Sea Horses sa ikalawang posisyon taglay ang barahang 4-1, panalo-talo, halos dalawang laro ang lamang sa Wildcats na umangat naman sa barahang 3-2.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Batay sa format ng torneo, ang dalawang mangungunang koponan matapos ang eliminations ay awtomatikong uusad sa semifinals habang susunod na apat ay magtutuos single round quarterfinals para sa last two spots.

Sa iba pang laban, namayani ang Lyceum of Alabang kontra Philippine State College of Aeronautics, 75-73.