VILMA_ANGEL copy copy

ALAGANG-ALAGA si Angel Locsin ng kanyang future mother-in-law na si Gov. Vilma Santos, kuwento mismo niya nang makausap namin siya sa ABS-CBN kaugnay sa promo ng kanilang pelikulang Everything About Her.

Unang nakasama ni Angel si Ate Vi sa Mano Po pero mas na-enjoy niya nang husto ang pangalawang pagsasama nila sa pelikulang ito ng Star Cinema na ipapalabas na bukas.

“Ikaw na ang makasama ni Ate Vi,” proud pang sabi ni Angel. “For me, eh, isa na nga ito sa na mahirap makalimutang pelikulang nagawa ko na.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pakiramdam daw niya ay nag-iba ang level ng kanyang pagiging aktres sa movie nila ni Gov. Vi.

“Paano kasi kahit sa set lagi kaming in character dapat. Requirement ni Direk (Joyce Bernal), bawal ang sobrang tsismisan,” pahayag pa ng dalaga.

Inamin ni Angel na nakaramdam pa rin siya ng nerbiyos dahil ang Star for All Seasons ang kanyang kasama bukod sa first time din niyang makatrabaho si Direk Joyce na aniya’y sobrang dedicated at mabusisi sa trabaho.

Pero worth it naman daw ang lahat ng hirap nila dahil sa marami siyang natutuhang bago sa movie career niya. Aware naman daw kasi siya na hindi pa sapat ang pagiging Angel Locsin niya.

“Imagine pati ang pagturok ng injection, pagkuha ng blood pressure at iba pa, eh, ‘pinapakarir sa akin at talagang pinag-aralan ko at ginawa para mas maging effective ang pagiging nurse-caregiver ko kay Tita Vi sa movie,” seryosong banggit ni Ms. Angel Locsin.

Ano naman ang opinyon ni Angel sa mga nagsasabi na silang dalawa ni Ate Vi raw ang tiyak na magkakalaban para sa best actress sa susunod na awarding season?

“Well, basta ginawa naming lahat ni Tita Vi ang para sa ikakaganda ng movie. At sana magustuhan nilang lahat at panoorin nila ang movie. Kung papalarin na mananalo kami, eh, bonus na ‘yun,” tugon ni Angel.

Samantala, bukod sa Vilmanians ay may pa-block screening din ang fans ni Angel para sa pelikulang Everything About Her. (Jimi Escala)