MAS naging palaban at matapang ngayon si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile habang nalalapit ang pagbaba sa puwesto ni Pangulong Noynoy Aquino. Nakulong ng mahigit isang taon si Enrile dahil sa kasong pandarambong, hindi yata siya nakatanggap ng “konting pagtingin” kay PNoy kahit malaki ang naitulong niya sa binatang Pangulo na ma-impeach si Chief Justice Renato Corona.

Inuulit ko na dapat tandaan ng mga Pinoy na si JPE ay isang political survivor mula sa panahon nina ex-Pres.

Ferdinand E. Marcos hanggang kay ex-Pres. Corazon Aquino (Tita Cory). Hindi ba nilabanan niya si Marcos na noon ay nasa rurok ng kapangyarihan? Kasama si ex-Pres. Fidel V. Ramos na noon ay AFP Vice chief of staff at hepe ng PC-INP, sinagupa nila ang nakatatakot na puwersa-militar ni ex-AFP Chief of Staff Gen. Fabian Ver. Noong panahon naman ni Tita Cory, sinibak siya sa puwesto, hinabla ng complex murder with rebellion at nakulong. Lahat ay naalpasan niya.

Ewan ko lang kung maaalpasan niya ang pagkakasangkot sa P10-billion pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kung nagawa ni Enrile na banggain ang diktador na si Marcos at ang tapat niyang aide na si Gen. Ver, hindi nakapagtatakang kaya niyang banggain si PNoy na ngayon yata ay itinuturing na isang “lame duck president.”

Sa Enero 27 na muling bubuksan ang imbestigasyon sa kahindik-hindik na Mamasapano massacre, tiyak na muling “aatungal” ang Leon ng Cagayan, at hindi mangingiming maghagis ng mga katanungan ang 92-anyos na Senador na siguradong magpapanginig sa tumbong ng Pangulo at kanyang mga Gabinete kasama ang mga opisyal ng AFP na hindi kumilos o tumulong sa SAF 44 habang sila’y “kinakatay” sa maisan sa loob ng maraming oras. Well, kung kumilos lang ang AFP, marahil ay hindi naubos ang SAF 44.

Hanggang ngayon ay nagmamaktol pa ang 2.15 milyong SSS pensioner dahil sa pag-veto ni PNoy sa panukalang P2,000 increase ng kanilang pensiyon. Maging sina Ka Celo Lagmay at Tata Clemen Bautista at ang mga ka-jogging ko ay sumumpang hindi nila iboboto ang “manok” ni PNoy na nananalunton pa sa “Tuwid Na Daan” na baluktot naman pala at walang habag sa mga lolo at lola na nangangailangan ng pambili ng kanilang maintenace medicine.

Sa ayaw at sa hindi ni PNoy, malaking kabawasan ang boto ng 2.15 milyong pensioner kasama na rito ang kanilang mga ginoo/ginang at mga apo. Samantala, may nagsasabing kung totoong si Mar Roxas ang nasa likod ng disqualification case laban kay Sen. Grace Poe at tuluyang na-DQ ang anak ni FPJ, ang malamang na makikinabang dito ay si VP Jojo Binay na mortal nilang kalaban at ng kanyang patron na si PNoy! (BERT DE GUZMAN)