Inimbitahan ni Ellen DeGeneres ang Dirty Grandpa star na si Zac Efron sa kanyang show nitong Miyerkules at pagkatapos ng panayam, naglaro sila ng sikat na sikat na laro ni Ellen na “Heads Up!” Ang nasabing laro, na may twist tulad ng charades, ay ginawa para sa pagbisita ni Efron. Pinasaya niya ang mga manonood nang sayawan niya si Ellen, at nag-twerk.
Naisip ng aktor na kinakailangan niyang humingi ng tawad matapos mag-tweet ng: “I’m grateful for a couple things today: Martin Luther King Jr & 10 million followers on IG.” (Yahoo News/Celebrity)