TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang bading na cashier sa isang establisimyento ang natimbog nitong Martes ng gabi sa Daang Heneral Luna sa Barangay Poblasyon sa lungsod na ito.

Nasamsam mula kay Jhonel Resume y Sevilla, 26, ng Bgy. Poblasyon, Tacurong City, ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at P500 marked money.

Inihahanda na ni PO1 Gerald San Pedro ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) laban kay Resume. (Leo P. Diaz)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?